Day 3: Queen City of the South: Cebu City
On July 1, 2012, the day before we go back to Davao, City tour of Cebu naman ang itinerary ngayon. we have to wake up at 7-8am to start the day. Plan namin pumunta ng Basilica Sto. Nino, because it is Sunday. Dahil gipit kami sa time, plan na lang namin magsindi ng candle at magoffer ng prayer at magthank you ke Lord for the fun and safe trip namin. Super duper dami ng tao sa Basilica, at bawal pa magtake ng picture inside the church. Okay respeto na lang din sa mga nagsisimba. Hindi na din kami nakalapit sa Sto. Nino kasi close sila every Sunday because of the mass.
After sa Basilica, pumunta kami sa Magellan's Cross.
MAGELLAN'S CROSS
After Magellan's Cross sa Fort San Pedro na naman kami. Sa totoo lang, I have been in Cebu four times but ngayon lang ako makapunta dito sa Fort San Pedro. Super nice ang lugar, pwede pang pre-nup, hehe. Dito din nabuo ang cover album ng CHPOPSUEY BAND. yahoo!!!
FORT SAN PEDRO.CHOPSUEY!!
After Fort San Pedro, lunch break na. So, its Lechon time sa CnT Lechon. We thought na order2x na restaurant ito, hindi pala, self-service. At dahil sa sobrang daming tao, meron pa silang priority #. Hay nako! you have to wait 1-hr before ka maserve. Ang # namin ay 66, nakakita si Tibang ng #63 sa counter, na walang nagmamay-ari, so kinuha namin. Ang daming customer nagagalit na dahil sa poor service nila. Dumating kami sa restaurant before 12 noon, pero nakakain kami almost 1pm na. Worth it naman ang lechon nila, malambot, at matamis tamis. 1-hr na paghihintay, within 5 minutes ubos na, at 2-kilos ang inorder namin(360/kilo), pero meron pa namang naiwan pero konti na lang. Si Tibang, nagtake home pa sya para sa family niya sa Davao. After here dumeretso kami SM at Tabo-an to buy pasalubong.
CNT LECHON HOUSE - LUNCH TIME
SM CITY CEBU AND TABO-AN WET MARKET
Pagkatapos namin mamili ng pasalubong, bumalik kami agad sa hotel, dahil ang baho-baho namin, hehe. Hindi talaga maitatangi na galing kami ng tabo-an. At malas lang dahil umulan ng araw na iyong. Isang rason din, ay kailangan magayos ng gamit, dahil maaga pa ang flight namin kinabukasan, at kailangan din magpahinga ng mga kasama namin.
Ng mag.5pm nagpromise ako kay yabz Bong na magbonding kami kahit sandali lang, kaya nagfood trip kaming dalawa sa may Margie's carenderia, super sarap ang kanilang Lomi. Sabi pa ni yabz: kung meron man akong babalik-balikan dito sa Cebu, ito yun. hehe! wala kami picture2x kasi hindi mahilig si yabz ng camera, hehe. HInihintay din naman ang text message galing sa mga kasama namin. Mga 6pm nagtext sila at nandoon na daw sila sa Crown Regency Tower para sa Sky Extreme Activity. BUT, nagclose ang extreme dahil umuulan, pero magresume daw sila later kapag hindi na gaanong malakas ang ulan. So, super sad ang mga kasama ko, at bigla nagdecide na magIMAX ng the Amazing Spider. Sa amin lahat ako lang ang hindi sumangayon, dahil ayaw ko ng Spiderman, paulit-ulit na lang ang kwento. So, I told them na baka meron sa Ayala Mall, kasi plan nila magSM.
We all went to Ayala Mall para makahanap ng kakainan, at namangha kami sa kanilang food court: TERRACES AYALA MALL CEBU. Ang ganda dito, sobra. So, automatic, picture2x, hehe! Dinner din kami sa Cafe Laguna, wala na kasing maisip, sa sobrang daming kainan.
TERRACES AYALA MALL CEBU
CAFE LAGUNA, TERRACES AYALA MALL CEBU
After namin magdinner, we try to contact Crown Regency Tower, pero walang sumasagot, so we decided na puntahan na lang, pero kung wala talaga, magStarbucks na lang kami for a chill moment. Pero luckily, operating na sila. Ang saya ng mga kasama ko. Silang lahat may balak magEdge Coster at Sky Walk, ako naman, so sobrang takot sa heights, at sa naexperience ko sa parasailing sa Boracay, I said NO. Buti na lang nagagree sa akin si yabz at sinabayan na lang ako magpicture2x. Entrance: 250. Entrance plus 2-rides: 750. Souvenir pictures: 230/each.
CROWN REGENCY SKY EXTREME ADVENTURE
EDGE COASTER AND SKY WALK
Natutuwa ako sa mga kasama ko sa mga nawitness ko sa takot nila while doing the activity, lalong lalo na si Oggie na super takot pala sa heights, hehe! Sigaw ng sigaw, hahaha!! At natawa din ako sa sky walk, dahil meron isang picture doon ng isang babae na nakakatawa talaga ang itsura nung sumigaw, hahahaha!! Ang sakit ng tiyan ko!! After ng activity, bumalik na kami ng hotel at nagpahinga sa early flight namin.
Kinabuksan, nagising na kami lahat ng 4am at nagcheck-out sa hotel ng mga 5:45am, kailangan talaga early kasi super layo ng airport ng Cebu. Nakarating na kami ng airport, ang dami ng tao, obviously na sa likod na naman kami nakaupo. Nang nagboarding na, bigla kami special mention, lilipat pala kami ng upoan, at si yabz Bong na sa first row na, huhu, at kami na sa 18 at 19 row. At least, we have a safe flight back home.
The vacation was quite expensive but it was fun, a happiness money can't buy.
No comments:
Post a Comment