Dolphin Watching and Balicasag Island
On June 30, 2012, mag.dolphin watching kami at snorkeling sa Balicasag island, Panglao, Bohol. We have to wake up 4am para makaalis ng 6am at makita ang mga dolphins. Nangdahil late na natulog, suffering para sa lahat ang paggising ng maaga. Ang nakakatawa pa si Jay isa sa mga kasama namin, nagalarm ng ubod ng lakas, eh hindi lang man narinig ang sariling alarm, hehe. Para makahabol sa takdang oras, si Tibang na lang ang naligo sa min sa banyo, kami lahat, nagprepare ng susuotin para pangswimming at sa dagat na lang maliligo.
Mga 6am, dumating si kuya Aris, at meron siyang bad news nawala or nahulog daw ang wallet niya, hindi daw niya alam kung saan, haist! pakyas talaga si kuya, hehehe.
COFFEE IN THE MIDDLE OF THE SEA
Pagkatapos namin mg.dolphin watching, agad kami pumunta ng Balicasag Island. Super init sa island at mabato, buti na lang meron kaming mga slippers at towel to serve as payong. Doon na din namin kinain ang breakfast na hinanda ng resort. Si Tibang naman, dahil naka.pants she needs to buy a shorts para magswimming.. Mahal ng board shorts, 150 pesos ang isa. Nagulat din kami,dahil ang usapan sa island tour, package na, kasama ang tour guide at mga gamit,un pala hindi. Ang free lang sa amin ay ang vest at 2-snorkeling mask. Ang tour namin 2,000 pesos, ang snorkeling guide is worth 150pesos for each guest at ang snorkeling gear (goggle mask and tube) is worth 150pesos. haist! mahal! pero dahil nandoon n nga kami, go na lang. Ang camera na ginamit namin para magpicture ay camera ni yabz, at dahil hindi pwede sa underwater yun, we have to rent the water proof cover ng camera worth 250 pesos.. Over na ang gastos, pero worth it naman.
BREAKFAST: BALICASAG ISLAND
SNORKELING
Kapagod magsnorkel pero masaya. Ang yabz ko naman, nahilo, kaya pagdating namin sa shore sinuka niya ang breakfast niya, tsk3x! After sana dito sa Balicasag Isand, pupunta kami ng Virgin Island para kumain ng "tuyom"(sea urchin) masarap daw yan eh. Pero dahil sa sobrang init ng panahon, hindi na lang kami natuloy, bumalik na kami ng resort.
BEACH SIDE OF BOLOD RESORT
Pagbalik namin ng Bolod, nakatanggap ng goodnews si kuya Aris, nakita na ang wallet niya, nalaglag sa likod ng van, hay nako talaga kuya Aris, hehehe. Nangdahil diyan, libre kami ni kuya sa isang well known restaurant sa Tagbilaran, named Payag restaurant. Before kami kumain, dumaan muna kami sa Hinagdanan Cave. Ako at si kuya Aris hindi na pumasok, dahil napuntahan na namin ito noon, si Oggie, Tibang, Jay at yabz Bong na lang. Entrance Fee: 15pesos. Dito din makakabili ng murang pasalubong. Key chain nila 6pcs for 100 pesos assorted pa.
HINAGDANAN CAVE
LATE LUNCH AT PAYAG RESTAURANT
After our late lunch, bumalik na kami ng Tubigon para sumakay ng craft pabalik ng Cebu. MV Starcraft naman ngayon. Same lang din ang presyo ng craft 200 pesos for economy, at ang terminal fee na 5pesos. Wala ng insurance na babayaran. Pagpasok namin ng craft, pwede madisappoint, nakakatakot ang craft, masikip at meron pang ipis, sa likod na kami nakaupo, na sa gilid ako, nangbigla umandar ang craft, malapit pala ako sa engine tube, OMG!! magsuffer ako ng isang oras for this, hindi pwede! kaya lumipat ako with yabz, sa tourist section, magbabayad daw kami ng 80 pesos each for the transfer, go ako! what is 80 pesos sa comfortable area. Pero dahil naawa sa amin ang collector, hindi na lang kami sinigil. Grabe na craft, walang maintenance. If I were to choose between MV Starcraft at SeaJet, SeaJet na lang ako.
After 1-hr dumating na kami ng Cebu at nagcheck-in sa Verbena Pension House instead na sa Sampaguita JRG, dahil fully book ang Hotel na iyong. We got the barkadahan room worth 2900/night, dahil 2 nights kami, 5,800, dived by 6, ngbigay kami ng 1000 each. Ok naman ang room, maliit lang nga, isa lang ang socket for the tv. Hindi din maganda ang internet connection, mahina, pero over all ok naman ang room at mabait ang mga staff.
VERBENA PENSION HOUSE ROOM 104 BARKADAHAN ROOM FOR 6
Dahil sa sobrang pagod, kami ni Tibang natulog na lang buong gabi, samantalang ang mga boys party all night til dawn sa Mango Square. 4am na ata sila bumalik ng hotel.
MANGO SQUARE CEBU
Paguwi nila, tulog agad kasi maaga pa kami bukas. Good night uli.
No comments:
Post a Comment